-- Advertisements --

Sinuportahan ng mga business group ang tuluyang pagtanggal na ng mga Philippine Offhsore Gaming Operations (POGO).

Sa inilabas na petisyon ng Foundation for Economic Freedom, Makati Business Club and the Management Association of the Philippines, na may bahid na masamang reputasyon ang nasabing mga POGO sa bansa kaya mararapat na ito ay matanggal.

Bukod pa dito ay sangkot din ang ilang mga POGO operators ng iba’t-ibang krimen na nakakasira sa nasabing imahe ng bansa.

Magugunitang maging ang ilang mambabatas ay nagpanukala ng tuluyang pagtanggal na ng mga POGO sa bansa.