Pinaburan ng grupo ng mga manggagawa ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ipagpaliban muna ang pagsasaayos ng EDSA.
Ayon kay Federation of Free Workers president Atty. Sonny Matula, na mahalaga talaga na pag-aralang mabuti ang magiging epekto nito kapag sinimulan na ang pagsasaayos ng EDSA.
Mahalaga na makahanap muna ang mga otoridad ng magandang daanan para magamit ng mga motorista at mga mangagawa na maapektuhan ng nasabing EDSA rehabilitation.
Magugunitang ipinagpaliban ng isang buwan ng Pangulo ang pagsasaayos ng EDSA dahil nakikita niya na matagal ang dalawang taon na pagsasaayos na tiyak na magdudulot ito ng matinding trapiko.
Mahalaga aniya na magkaroon ng mahigpit na konsultasyon sa iba’t-ibang sektor para pag-usapan ang epekto nito.