Hinikayat ng grupo ng mga magsasaka si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bakantehin ang posisyon bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA) at sa halip ay magtalaga ng full-time na Agriculture chief.
Ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas(KMP) chairperson Danilo Ramos na kailangan ng ating bansa ang isang kalihim na marunong na makinig sa demands at kalagayan ng ating mga kababayang magsasaka at sa agriculture stakeholders.
Walang duda aniya na hindi kayang gampanan ng Pangulo ang kaniyang gampanin bilang kalihim ng DA na ngayon ay ginagampanan din ang malaking papel nito bilang Pangulo ng ating bansa at Commander in Chief.
Una ng nananawagan sina Senators Koko Pimentel at Risa Hontiveros sa pangulo na magtalaga na lamang ng bagong DA chief.
Maging ang kaniyang mismong kapatid na si Senator imee marcos na una ng nagsabi na panahon na para magkaroon ng bagong agriculture secretary dahil sa busy schedule ng Pangulo.
Subalit hindi natinag ang Pangulo sa mga panawagan at nanindigan na ang problema sa sektor ng agrikultura ay napakahirap kung saan kailangan na pangasiwaan ng pangulo para mabago at masolusyunan ang mga ito.