-- Advertisements --

Naghain na rin ng petisyon ang grupo ng mga kabataan ng petisyon para kuwestiyonin ang ligalidad ng Anti Terrorism Law sa Supreme Court (SC).

Kabilang sa mga naghain ang Kabataang Tagapagtanggol ng Karapatan na pinangunahan ng kanilang national convenor na si Bryan Ezra Gonzales.

Ayon kay Atty. Dino De Leon, isa sa mga abogado ng mga petitioners, hiling nila sa mga mahistrado ng kataas taasang hukuman na magpalabas ng temporary restraining order (TRO) at writ of preliminary injunction upang hindi maipatupd ang Sections 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, 25 at 29 ng naturang batas sa kahit sinong indibidwal.

Hiniling din nila sa Korte Suprema na magtakda ng petsa para sa oral arguments sa merito ng usapin sa pamamagitan ng teleconferencing bunsod ng umiiral na pandemya.

Kasama rin sa mga petitioners ang Youth for Human Rights and Democracy, Youth Act Now Against Tyranny, Samahan ng Pogresibong Kabataan, Good Gov Ph, Liberal Youth of the Philippiness, La Salle Debate Society, De La Salle University Student Govt, National Union of Students of the Philippines (NUSP) at iba pang grupo ng kabataan.

Kabilang sa mga respondents ng petition ay sina Executive Sec. Salvador Medialdea, mga bumubuo ng Anti Terrorism Council, maging sina Sec. Benjamin Diokno, Senate President Vicente Sotto III at House Speaker Alan Peter Cayetano.