-- Advertisements --

Hinikayat ng Commuter network The Passenger Forum (TPF) ang mga pasahero na naapektuhan ng aberya sa paliparan nitong unang araw ng 2023 na maghain ng kaso laban sa Civil Aviation Authority of the Philippine (CAAP).

Ayon kay TPF convenor Primo Morillo, na hindi kasalanan ng mga airlines ang dahilan ng pagkaantala.

Nakasaad lamang kasi sa Air Passenger Bill of Rights na mabibigyan ng kumpensasyon ang mga pasahero sakaling kasalanan ng airline companies.

Sa nasaibng insidente ay nararapat lamang na sisihin dito ay ang gobyerno.

Nauna ng sinabi ni Department of Transportation (DOTR) Secretary Jaime Bautista na nagsasagawa na sila ng imbestigasyon sa nangyaring aberya.