Nanawagan ang isang grupo ng magsasaka sa gobyerno ng Pilipinas na magkaroon umano ng karagdagang cold storage facilities kaugnay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga retail prices ng mga produktong pang-agrkultura partikular na ang sibuyas.
Ayon kay Kilusang Magbubukid ng Pilipinas Chairman Rafael Mariano, sa kasalukuyan ang bansa ay mayroong kabuuang 68 cold chain facilities na kung saan 27 ay matatagpuan sa Metro Manila at sampu naman sa Nueva Ecija.
Aniya, mahalaga ang pagdadagdag ng cold storage facilities dahil mapapaliit umano ang mga post-harvest losses at matitiyak ang tamang presyo para na rin sa mga nagtatanim ng sibuyas.
ANg presyo ng sibuyas kasi ay umaabot pa rin ng P650, higit doble ng Suggested Retail Price (SRP) at nagkakahalaga naman ng P700 sa ilang mga pampublikong pamilihan sa ating bansa.
Kung matatandaan, nauna ng ipinatupad ng Department of Agriculture ang Suggested Retail Price na may halagang P250 kada kilo ang presyo ng pulang sibuyas.