-- Advertisements --

Inihayag ng grupo ng Filipino professional ang pangangailangan ng mas marami pang health care workers sa bansa dahil marami ng umaalis para magtrabaho abroad.

Ayon kay Dr. Benito Atienza, vice president of the Philippine Federation of Professional Associations, nagpapatuloy aniya ang brain-drain sa bansa kung saan ilang health care workers gaya ng mga nurse, medical technologists at maging ang physical therapists ay nais na magkaroon ng mas magandang oportunidad sa trabaho sa ibang bansa.

Kaugnay nito, iginiit ni Atienza na kailangan ng Senado at mh Kongreso na irepaso ang Magna carta of Public Health Workers upang mabigyan ng karagdagang proteksyon ang mga nasa health sector.

Saad pa ng ni Atienza na nagsilbi ding dating presidente ng Philippine medical Association na dapat mabigyan ng mas mataas na sahod ang mga health workers kumpara sa mga inaalok abroad upang hindi na nila kailangan pang lisanin ang bansa.

Bagama’t nakakatulong para sa income generation ng bansa ang pagpapadal ng workers abroad, binigyang -diin ni Atienza na kailangan na mahikayat ang mga kabataan na kumuha ng kursong nursing o health related courses upang mapalakas pa ang health care system sa bansa.

Ikinalungkot din nito na sa may ilan pa ring mga doctors at nurses sa pribadong sektor ang hindi pa nakakatnaggap ng kanilang one time covid-19 allowances at iba pang mga benepisyo.

Dapat ay na mabigyan ng prayoridad ng pamahalaan ang health sector kung saan ang mga health professionals ang mga nagsisilbing frontliners sa gitna ng nagpapatuloy na covid-19 pandemic sa bansa.