Kinailangan ng Memphis Grizzlies ang overtime game bagong tuluyang idispatsa ang Golden State Warriors sa score na 117-112 sa kanilang play-in round.
Dahil dito humabol na sa huling biyahe sa No. 8 spot ang Grizzlies sa Western Conference playoff.
Bumida sa panalo ng Grizzlies ang 21-anyos na si Ja Morant na nagbuhos ng 35 points kasama na ang clutch-time scoring.
Sa init ng kamay ni Morant sa fourth quarter lamang at overtime nagbuslo na ito ng 15 puntos.
Makakaharap ng Grizzlies ang No. 1 sa NBA o top seed na Utah Jazz.
Bukas simula na ng exciting games sa first round ng NBA playoffs.
Ang Warriors naman ay bakasyon muna at marami ang nanghinayang lalo na at naging matindi ang comeback performance ni Stephen Curry na tinanghal bilang scoring king ng NBA.
Sa laro kanina nasayang ang ginawa ni Curry na may 39 points, four rebounds at five assists.