-- Advertisements --
1358124232

Hindi na makakapaglaro sa kabuuan ng 2023-2024 Season ang big man ng Memphis Grizzlies dahil sa nakatakda nitong operasyon.

Inanunsyo ng Grizzlies management ang naturnag balita, tatlong araw bago ang nakatakdang pagsisimula ng season.

Nakitaan si Adams ng injury sa PCL (posterior cruciate ligament) ng kanyang kanang tuhod.

Ito ay resulta ng kanyang tinamong injury habang naglalaro sa kasagsagan ng 2022-2023 season, na naging dahilan din para hindi siya makapaglaro sa huling bahagi ng nakalipas na season.

Bago nito, una siyang sumailalim sa non-operative rehabilitation ngunit nagdesisyon din ang kanyang mga doktor na mas nakabubuti ang operasyon.

Sa kasalukuyan, isa si Adams sa mga pinakamagagaling na rebounder sa buong NBA.

Nitong nakalipas na season, kumamada siya ng 11.5 rebounds per game, sa loob ng 42 games na kanyang inilaro.

Bago rin sa naging anunsyo ng Grizzlies, nagawa pa niyang maglaro sa dalawang preseason games.