-- Advertisements --
Sinuspendi ng walong laro ng NBA si Memphis Grizzles guard Ja Morant.
Kasunod ito sa insidente ng pagpapakita niya sa social media na may hawak na baril.
Ayon sa NBA na nakakasira sa liga ang ginawang ito ni Morant.
Ipinataw ang suspension matapos ang ginawang pulong sa pagitan ni Morant at ni NBA commissioner Adam Silver.
Magugunitang noong Marso 4 ng kumalat sa social media ang video ni Morant na may hawak na baril habang lasing sa loob ng isang night club.
Nauna ng pinatawan ng Grizzles ng dalawang larong suspension at humingi na rin ng paumanhin si Morant sa insidente.