-- Advertisements --

Nakatakdang mag-pulong ang Greenland’s parliament upang talakayin ang mga banta ni U.S. President Donald Trump na sakupin ang Arctic Island, isang autonomous na region ng Denmark, bilang tugon sa lumalalang geopolitical tensions na may kinalaman sa Russia at China.

Sa isang joint statement na inilabas noong Biyernes, muling iginiit ng mga lider ng limang political parties sa Inatsisartut (Greenland’s parliament) ang kagustuhan ng isla para sa sovereignty na tumatanggi sa ideya na maging bahagi ng US o Denmark.

Anila ang Greenlanders ay hindi nais maging Amerikano, hindi rin nais maging Danish, at iginit na: “we want to be Greenlanders.”

Una nang ipinahayag ni Trump na dapat pag-aari ng U.S. ang Greenland upang maiwasan ang pagkakaroon ng impluwensiya ng Russia o China sa isla.

Inakusahan din ng Amerika ang kakulangan ng presensya ng militar ng US sa ilalim ng isang 1951 NATO agreement at nagbanta na kikilos ang U.S. kahit ayaw ng Greenlanders na pumasailalim sa Estados Unidos.

Ayon sa mga lider ng Greenland’s parliament, magiging madali ang pagpupulong ng parlyamento upang tiyakin ang isang patas at masusing talakayan, kung saan ang ‘Independence’ ang magiging sentro ng pag-uusap.

Batay sa isang 2009 agreement ng Greenland at Denmark, may karapatan ang mga Greenlandic people na magdesisyon para sa kanilang kalayaan, ngunit malinaw ang posisyon ng mga lider na sila ang magdedesisyon ng kanilang kinabukasan nang walang panghimasok ng mga dayuhan maliban sa kanila.

Pinag-batayan nila ang diplomatic dialogue batay sa mga prinsipyo ng international law at ang karapatan ng mga tao.

Wala pang tiyak na petsa ukol sa gagawing pagpupulong ngunit nakatakda itong maganap sa Pebrero 3, 2026.