-- Advertisements --

Minultahan ng NBA na aabot sa $25,000 si Golden State Warriors star Draymond Green dahil sa pakikipag-away sa isang fan ng Memphis Grizzles.

Naganap ang insidente ng papalabas na ito ng court matapos magtamo ng injury sa mata.

Habang naglalakad aniya ito ay isang fan ng Grizzles ang nangantiyaw at ddon na lamang nag-‘dirty finger’ ito.

Iginiit ni Green na hindi ito nagsisisi sa kaniyang ginawa at handa aniya na itong bayaran ang multang ipinataw sa kaniya.