CENTRAL MINDANAO – Grupo umano ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang itinurong suspek na nanghagis nang pampasabog sa lalawigan ng Maguindanao.
Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division chief at Joint Task Force Central commander Major/Gen. Juvymax Uy na habang nagsagawa ng clearing operation ang mga tauhan ng 6th Infantry Battalion Philippine Army sa Barangay Pandi , Maguindanao ay nadiskubre nila ang isang granada at homemade bomb hindi kalayuan sa kanilang kampo.
Sinabi ni MGen Uy na posibleng itinapon ng mga teroristang BIFF ang mga pampasabog malapit sa base patrol ng mga sundalo ngunit hindi sumabog.
Ang unexploded ordnances (UXOs) ay maaring gamitin sa paggawa ng anti-personnel mines, kung hindi narekober ay magdudulot ito ng pinsala sa mga sibilyan at maging sa tropa sabi pa ni Uy.
Dagdag ng opisyal ang BIFF ay patuloy na naghahasik ng terroristic acts dahil sa kanilang kawalan ng kakayahang kontrahin ang massive focused military operations sa lugar