Humaharap ngayon sa graft complain si dating Elections Commissioner Rowena Guanzon dahil sa kaniyang isiniwalat na impormasyon sa disqualification case ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.
Nauna rito, naghain ng 18 pahinang complaint si Lawyer Ferdinand Topacio at Diego Magpantay mula sa grupong Citizen’s Crime Watch sa office of the Ombudsman nitong Biyernes, May 27 na nag-aakusa kay Guanzon sa paglabag sa Revised Penal Code at sa Antigraft law, isang code of conduct para sa isang public officials at empleyado.
Inihayag ng mga complainants na noong presiding commissioner pa si Guanzon sa First Division ng Commission on Elections na humawak sa isa sa mga disqualification case laban kay Marcos, isiniwalat ni Guanzon na bumoto ito ng pabor para sa disqualification ni Marcos Jr., ibinunyag din ang kaniyang dissenting opinion at ibinulgar na ang kaniyang fellow commissioner noon na si Aimee Ferolino ang siyang ponente ng naturang kaso.
Ayon sa complianants, ang pagbubunyag ni Guanzon ng kaniyang boto para idiskwalipika si Marcos ay maituturing umano na premature public disclosures na walang authority o justifiable reasons.
Sa panig naman ni Guanzon bilang tugon sa complaint ni Atty Topacio, inalala ng dating commissioner noong mga panahon na kaniyang sinampahan si Topacio sa Bacolod City para sa kasong libel at unjust vexation.
At na-dismiss lamang ang naturang complaint bilang isang personal grudge ni Topacio laban sa kaniya dahil sa kasong kaniyang isinampa noon.










