-- Advertisements --

LAOAG CITY – Malaking karangalan para sa isang Grade 9 student ang pagkapanalo nito ng gold award sa 2022 Newtonian International Physics Olympiad Challenge (NIPOC).

Ayon kay kay Geoff Jude T. San Agustin, nag-aaral sa Philippine Science High School Ilocos Region Campus at residente a Barangay 15, San Guillermo sa lungsod ng Laoag, hindi lamang ang locos Norte ang kanyang kinatawan kundi ang buong bansa.

Ang NIPOC na inorganisa ng Organizing Center for STEM Olympiad kung saan 26 na bansa ang naglaban-laban, ay isang kompetisyon ng Physics o branch ng Science.

Kabilang din dito ang Indonesia, Brazil, Mexico, Kyrgyzstan, Bangladesh, Vietnam, Cambodia, Malaysia, Nepal, Romania, Macedonia, Honduras, Peru, Bolivia, India, Georgia, Equador, Kazakhstan, USA, Colombia, Greece, Bulgaria, Syria, Thailand, at Azerbaijan.

Pag-amin ni Geoff, nagpapasalamat siya dahil kahit may mga paksa na hindi niya na-review sa eksaminasyon ay nasagutan niya pa rin ito.

Maliban kay Agustin, tatlong kasamahan niya na nagmula rin sa lalawigan na kasali sa NIPOC at nakakuha ng isang silver award at bronze ang dalawa pa.