-- Advertisements --
image 218

Patay ang isang grade 8 student matapos malunod sa Angalacan River sa barangay Nibaliw, bayan ng Mangaldan, sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay police Lt. Col. Benjamin Zarate, OIC sa Mangaldan PNP, bandang 3:45 ng hapon nang makatanggap sila ng tawag ukol sa insidente ng pagkalunod.

Kaagad namang rumisponde ang mga MDRRMO personnel at nagsagawa ng retrieval operation.

Nang matagpuan ang katawan niya sa ilalim ng tubig ay nilangoy agad ni police corporal Andrew Velasco at dinala sa pangpang.

Binigyan siya ng CPR at pagkatapos ay dinala sa pagamutan pero ideneklarang dead on arrival ng attending physician.

Batay sa naging salaysay ng isang 12 anyos na grade 6 student, nagkayayaan sila ng biktima na maligo sa nasabing ilog.

Marunong naman daw itong lumangoy ngunit, nang palapit na sa pangpang ay nakita niya itong nagpaikot ikot hanggang tuluyang nawala sa ibabaw ng tubig aqt tuluyang nalunod.