-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nagkalasug-lasog umano ang katawan ng 10 anyos na grade 5 pupil na babae nang masabugan ng bala ng 40mm mortar sa Purok 3,Barangay Ampianga,Sugbongcogon,Misamis Oriental.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Police Regional Office 10 spokesperson Police Maj. Joann Navarro na dahil umano sa matindi na sinapit ng hindi na lang pinangalanan na biktima ay mas pinili na iwasan nang mailahad sa publiko ang mismong katawan ng bata.

Sinabi ni Navarro na inaalam pa ng kanilang mga imbestigador kung paano nangyari na umaabot sa loob ng kusina sa bahay ng biktima ang eksplosibo at sumabog.

Magugunitang nasa kasagsagan nang pagsasaing ang biktima para sa kanilang haponan nang umaalingawngaw ang malakas na putok.

Natuklasan na dating pinangyarihan ng engkuwentro sa pagitan ng mga sundalo ng 4th ID,Philippine Army at mga rebeldeng NPA ang pinagsabugan na lugar