-- Advertisements --
Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang transport booking app na Grab Philippines dahil sa pagtaas ng kanilang singil sa pasahe at ang pagpapatupad ng surge fee kahit na malapit lamang ang biyahe.
Magaganap kasi pagdinig sa darating na Enero 12 kung saan inaasahan nila na makakadalo na ang mga representative ng nasabing kumpanya.
Noong unang pagdinig sa Disyembre 12 ay hindi nakadalo ang representative ng Grab Philippines.
Nauna ng ipinaliwanag ng kumpanya na ang dahilan ng pagtaas ng singil ay dahil sa dami ng mga pasahero noong Disyembre ganun din ang naranasang matinding trapiko.