BACOLOD CITY – Patay ang isang Grade 10 student sa Lungsod ng Bacolod matapos sinaksak sa labas mismo ng kanyang pinapasukang paaralan kaninang tanghali.

Kinilala ang biktima na si Alexis Finish, 16-anyos na residente ng Purok Nami-Nami 1, Barangay Sum-ag, habang ang suspek ay si Ray Jan Carmelotes, 27-anyos ng Purok A.C. Yulo ng nasabing barangay.

-- Advertisement --

Sa imbestigasyon ng Bacolod Police Station 9, inabangan ng suspek ang biktima sa labas ng VMA Global College at bigla na lang sinaksak ng makailang beses.

Sinasabing mayroong utang si Finish sa nakatatandang kapatid ng suspek kaya’t kanya itong sinaksak.

Kaagad namang nahuli ng mga pulis si Carmelotes.

Dinala pa sa ospital ang biktima ngunit namatay din kinalaunan.