DAVAO CITY – Nagpahayag ng kanyang pagkadismaya si Davao Occidental Gov. Claude Bautista matapos inihayag ni Davao del Sur Governor Dodo Cagas na magpapatupad siya ng lockdown sa border ng dalawang lalawigan.
Kung maalala, mayroong hindi pagkakaunawan ang dalawang opisyal dahil sa isyu ng politika.
Ayon kay Bautista mas mabut kung magtulungan na lang ang lahat at isantabi ang politika lalo na at mismong si Mayor Sara Duterte-Carpio na mismo ang nagpahayag na magkaisa ang buong lalawigan ng Davao region sa paglaban sa COVID-19.
Una nang kinumpirma ng opisyal na isang 65-anyos na taga-Malita Davao Occidental ang namatay dahil sa COVID-19 habang naka-confine sa Southern Philippines Medical Center.
Patuloy naman ngayon ang ginagawang contact tracing sa mga nakasalamuha sa nasabing pasyente.
Ipinatupad na rin ngayon ang lockdown sa lugar kung saan naninirahan ang pasyente at isasailalim na rin sa rapid mass testing ang mga residente, pamilya ang mga huling nakasama ng pasyente.