-- Advertisements --
MRT3LIBRENG SAKAY

Iniulat ng Department of Transportation (DOTr) na makakakuha ng libreng sakay sa tatlong pangunahing serbisyo ng sistema ng tren sa Lunes, Setyembre 19, 2022 ang mga manggagawa ng gobyerno.

Sinabi ng DOTr na ang mga sakay ng tren sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3), Light Rail Transit Line 2 (LRT2) at Philippine National Railways (PNR) ay magiging libre ng mga manggagawa ng estado sa Lunes.

Inihayag nito na ang alok na libreng sakay ay kasabay ng isang buwang pagdiriwang ng Philippine Civil Service Anniversary bilang bahagi ng “Treats to Government Workers” ng Civil Service Commission.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista ang mga libreng sakay na iniaalok sa mga manggagawa sa gobyerno sa mga pangunahing linya ng riles ay paraan ng DOTr para parangalan sila.

Ang mga lingkod-bayan na ito ay nagbibigay ng mahalagang kontribusyon at gumaganap ng kailangang-kailangan na tungkulin sa pagbuo ng bansa.

Ang free rides sa government workers ay maaaring ma-avail sa MRT3 at LRT2 mula 7 a.m. to 9 a.m., at 5 p.m. to 7 p.m.

Ang mga manggagawa sa gobyerno ay dapat magpakita ng kanilang mga ID bilang patunay ng kanilang trabaho sa anumang ahensya ng gobyerno, opisina, at instrumentalidad para maka-avail ng libreng sakay.