-- Advertisements --
image 563

Patuloy ang paglakas ng tropical cyclone Goring na naging super typhoon na. Marahas ito at nagbabanta sa buhay ng mga naninirahan sa ilang bahagi ng Babuyan Islands.

Batay sa tropical cyclone bulletin ng PAGASA, inaasahan ang malakas na ulan na mahigit 200 mm sa Babuyan Islands at Batanes.

Ang forecast accumulated rainfall mula Martes ng gabi hanggang Miyerkules ng gabi ay 100 mm hanggang 200 mm sa Ilocos Norte, hilagang bahagi ng Apayao, at hilagang-kanlurang bahagi ng Cagayan.

Tinatayang 50 mm naman hanggang 100 mm ang pag-ulan sa hilagang-silangan na bahagi ng Cagayan, Abra, Ilocos Sur, at nalalabing bahagi ng Apayao.

Si Goring ay mayroon na ngayong maximum sustained winds na 185 kph malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 230 kph.

Namataan ito sa baybayin ng Calayan, Cagayan, at kumikilos pahilagang-kanluran sa bilis na 10 kph.

Nakataas sa signal No. 5 ang hilagang-silangan na bahagi ng Babuyan Islands.

Signal No. 4 ang katimugang bahagi ng Batanes (Sabtang, Uyugan, Ivana, Mahatao, Basco)
Hilagang-kanluran at timog-silangan na bahagi ng Babuyan Islands (Camiguin Is., Calayan Is.)

Signal No. 3 ang natitirang bahagi ng Batanes, natitirang bahagi ng Babuyan Islands, ang hilagang-silangan na bahagi ng mainland Cagayan (Santa Ana)

Signal No. 2 ang hilaga at silangang bahagi ng mainland Cagayan (Gonzaga, Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Buguey, Camalaniugan, Santa Teresita, Allacapan, Lal-Lo, Lasam, Gattaran, Baggao, PeƱablanca) Hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Bangui, Dumalneg)
Hilagang bahagi ng Apayao (Calanasan, Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol)

Habang Signal No. 1 naman ang hilaga at silangang bahagi ng Isabela (Dinapigue, San Mariano, Ilagan City, Tumauini, San Pablo, Cabagan, Maconacon, Divilacan, Palanan, Santa Maria, Santo Tomas, Quezon, Delfin Albano) natitirang bahagi ng Ilocos Norte, natitirang bahagi ng Cagayan, natitirang bahagi ng Apayao, Hilagang bahagi ng Abra (Tineg, Lagayan, Lacub, Malibcong) at hilagang bahagi ng Kalinga (Balbalan, Pinukpuk, Rizal, Lungsod ng Tabuk)