-- Advertisements --
Isa pang pagtapyas sa presyo ng langis ang inaasahan sa susunod na linggo.
Ito na ang magiging pangatlo sa naturang pagsasaayos ng presyo sa nakalipas na ilang linggo.
Sinabi ni DOE Assistant Director Rodela Romero na kasama sa bawas presyo ang P2 kada litro na bawas sa gasolina, mahigit P1 kada litro bawas sa kerosene at P0.70 kada litro na bawas sa presyo ng diesel.
Noong nakaraang Martes, nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng P2.00/litro para sa gasolina at P0.50/litro para sa kerosene habang ang diesel ay tumaas ng P0.40/litro.
Ang mga price adjustment na ito ay nagresulta sa year-to-date net increase ng P15.30/litro para sa gasolina, P13.80/litro ng diesel at P8.94/litro para sa kerosene.