-- Advertisements --

Tiniyak ni Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon na mapapatupad ng maayos at patas ang paggawad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) sa mga sinentensyahang preso.

Ito’y kasunod ng lumutang na ulat na posibleng makalaya ang convicted murderer at rapist na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez sa bisa ng naturang proseso.

Sa isang panayam sinabi ni Faeldon na posibleng sa susunod na buwan pa matapos ang pagre-review na ginagawa sa records ni Sanchez.

Pero tiyak naman daw na isasapubliko ito.

Una ng sinabi ng BuCor chief na malabong makasama si Sanchez sa 11,000 inmates na gagawaran ng GCTA dahil umano’y bad conduct nito habang nasa Bilibid.

Ilang paglabag kasi ang ginawa ng convictedc ex-mayor gaya ng pagtatago ng iligal na droga at pagpasok ng mga ipinagbabawal na gamit sa loob ng kulungan.