SEOUL, South Korea – Umabot na sa 20,000 signatures ang online petition sa South Korea na nanawagan sa pamahalaan ng mas mahigpit na regulasyon at parusa sa mga nasasangkot sa cybercrime at bullying.
Ito ay kasunod ng suspected suicide case ng Korean popstar na si Goo Hara.
Nanawagan ang ilang Korean netizens na protektahan ng pamahalaan ang kanilang mamamayan na nabibiktima ng hate comments at kritisismo.
“It was not long ago that we lost someone through hate comments and this cannot happen again,” nakasaad sa petition.
“Please protect the people from hate comments and criticisms that are spreading like a virus.”
Kung maaalala, natagpuan din na wala ng buhay noong Oktubre ang isa pang Korean singer na si Sulli o Choi Jin-Ri na dating miyembro ng disbanded girl group na F(X).
Si Hara ay dati ring miyembro ng girl group na KARA.
Isa ang South Korea sa may pinaka-mataas na suicide rate sa buong mundo.
Nitong Linggo nang matagpuan ang katawan ni Hara na wala ng malay sa loob ng kanyang bahay sa Seoul.
Noong Mayo nang unang mag-suicide attempt ang 28-year old singer matapos pumutok ang issue na ikakalat ng kanyang ex-boyfriend ang kanilang sex videos.
Bagamat sinintensyahan ng korte ang kanyang dating kasintahan, hindi pa rin nakaligtas sa kritisismo at batikos si Hara na siyang pinaghihinalaang sanhi ng pagpapakamatay nito.(AFP)