-- Advertisements --

Naibenta sa halagang $64,000 ang golf ball na ibinigay ni Tiger Woods sa isang 9-anyos na batang lalaki noong 1997 Masters.

Ibinigay ni Woods ang bola kay Julian Nexsen sa final round matapos na magtala ito ng bogey sa ikalimang hole.

Ang bola ay inilagay sa auction noong Marso 27 kung saan nagsimula sa $500 ang unang bid hanggang ito pumalo sa 64,124.40 ng magsara ang auction nitong Linggo.

Sa nasabing torneo ay siyang unang major championship tournament ni Woods na nagdala sa kaniya bilang pinakabatang manlalaro na nagwagi sa Masters.

Tinalo din nito ang record na hawak ni Jack Nicklaus sa scoring na mayroong 270, 18 under par.