-- Advertisements --

Hindi isinasantabi ng Task Force El Niño ang posibilidad na makaranas ng water shortage o paghina ng water pressure sa Metro Manila, dahil sa matinding init na nararanasan sa kasalukuyan.

Ayon kay PCO Asec Joey Villarama ito ay dahil na rin sa nakikita ng pagbaba ng lebel ng tubig sa mga dam, kasabay na rin ng pagpasok ng summer season.

Pagsisiguro ng opisyal, mayroong back up ang gobyerno para mapagkuhanan ng water supply.

Mayroon aniyang 137 deep wells na nakakalat sa Metro Manila.

Nasa 69 sa mga ito ay on stand by, sampu sa mga ito ay operational na, at maaaring i-tap ng MWSS upang ibigay sa dalawang water concessionare.

Samantala, pina-alalahanan ng Task Force El Niño ang mga lokal na pamahalaan na nasa kanila ang pasya kung magdi-deklara ng suspensyon ng klase sa kanilang mga nasasakupan, dahil sa matinding init na nararanasan sa kasalukuyan.

Sinabi ni Villarama na kung sa tingnin ng mga local official ay hindi na convenient para sa mga maga-aral at guro na pumasok pa sa mga paraaralan dahil sa matinding init, maaari naman muling i-konsidera ang pagsasagawa ng online classes.

Inihalimabawa ng opisyal ang sitwasyon sa Western Visayas, kung saan ang mga LGU doon ang nag-deklara ng suspensyon ng pasok, lalo’t city-wide aniya, naranasan ang matinting init.

Ipinaalala rin ng opisyal ang department order ng inilabas ng DepEd na ang mga pampubliko at pribadong paaralan ay maaari ring mag-pasya kung magsu-suspinde ng klase, depende sa kondisyon sa kanilang lugar.