Biniberipika na ng gobyerno ng Pilipinas ang ulat na kinasuhan na ng murder at trespassing ang 2 Pilipino na isinasangkot sa pagkamatay ng mag-asawang Hapones sa Tokyo, Japan.
Ayon kay Foreign Affairs USec. Eduardo de Vega, base sa ulat sa media outlet sa Japan, na-indict na umano noong Marso 22 para sa kasong murder at trespassing sina Hazel Ann Morales at Bryan Jefferson dela Cruz.
Subalit kasalukuyan pa aniya itong kinukumpirma ng embahada ng PH at ng kanilang abogado.
Inihayag din ni USec. De Vega ang ulat ng PH embassy sa Japan na itinanggi ni Morlaes ang anumang pagkakasangkot nito sa pagkasawi ng mag-asawang Hapones.
Habang si dela cruz naman ay inamin na nasa pinangyarihan siya noon ng krimen subalit nanindigang hindi niya pinatay ang mga-asawa.
Sinabi din ng DFa official na bibisitahin ng opisyal ng embahada ang Pinay na si Hazel ngayong araw. Habang si Bryan naman ay nasa pangangalaga ng DMW Migrany Workers Office dahil ito ay saing OFW
Patuloy din na imomonitor ang kaso ng 2 pinoy at titiyaking maibibigay ang due process sa ilalim ng batas ng Japan.
Matatandaan na una ng naaresto ang 2 Pilipino noong Enero dahil sa pagabandonasa bangkay ng mag-asawang Hapones at muling inaresto habang nakakustodiya noong Marso 1 para sa murder at trespassing.