-- Advertisements --

Nakakuha ang gobyerno ng Pilipinas ng pinabagong pagpopondo para sa dalawang pangunahing infrastructure projects.

Ayon kay Department of Finance Secretary Ralph Recto na nagkaroon na sila ng pirmahan ng kontrata sa pagitan ng apan International Cooperation Agency (JICA) para sa Phase 1 ng Metro Manila Subway Project at ang first phase ng Dalton Pass East Alignment Road Project.

Dagdag pa ng kalihim na ang nasabing mga proyekto ay siyang magdadala sa bansa para maging upper-middle-income country pagdating ng 2025 at maging 14th largest economy ng 2075.

Sa unang kasunduan ay nagkakahalaga ng nasa P55 bilyon na ito na ang third tranche ng financing para sa subway.

Habang ang ikalawang kasunduan ay nagkakahalaga ng nasa P37 bilyon na siyang unang tranche ng Dalton Pass East Alignment Road Project.