Hinimok ni Sen. Sonny Angara ang pamahalan na manguna sa pagbili ng mga local products o locally manufactured products sa bansa.
Ayon kay Angara, Senate Committee on Finance, dapat ay bumuo ang pamahalaan ng sariling polisiya na siyang mag-aatas sa government agencies na i-prioritized na bilhin ang mga locally-made products para sa kanilang office requirements.
Ito ay upang lalo pang masupurtahan ang mga local manufacturers sa bansa.
Maliban dito, hinimok din ng Senador ang mga government agencies na i-prioritize ang mga local suppliers sa mga procurement system.
Kung magkakaroon aniya ng ganitong polisiya, tiyak na lalo pang tataas ang demand sa mga local products, tataas ang local production, at local consumption.
Sa ganitong paraan, umaasa ang Senador na maipapakilala pa lalo ang mga tatak-pinoy na maaari ring ipagmalaki at ikumpara sa mga produktong gawa sa ibang bansa.