Muli na namang nasilat ng Fil-Am Grandmaster Wesley So ang world’s number 1 na si Magnus Carlsen sa kanilang showdown sa Norway Chess tournament sa Stavanger.
Ang panalo ni So ay sa pamamagitan ng tinatawag na Armageddon tiebreaker.
Makalipas ang dalawang rounds, ang Cavite born na si Wesley ay nasa ikalawang pwesto na may 4.5 points makaraang talunin din niya si Teimour Radjabov sa opening round.
Kung maalala si So ay dati ng kampeon sa Fischer-Random at two-time US champion.
Ang dating world champion naman na si Vishwanathan Anand ng India ay nangunguna makaraang walisin si Maxime Vachier-Lagrave ng France at si Veselin Topalov ng Bulgaria.
Sa ngayon si Anand ay meron ng six points kung saan ang nine-round format ay nagbibibigay ng three points sa panalo sa standard play at meron namang 1.5 points sa mananalo sa Armageddon playoff.