-- Advertisements --

Aminado si Sen. Erwin Tulfo na ikinagulat niya ang pahayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na walang naganap na pag-atake sa Senado noong Mayo 13 hanggang 14, 2026.

Ayon sa senador, taliwas ito sa sinabi ni Senate President Alan Peter Cayetano kaya nais din niyang tanungin ang lider ng Senado hinggil sa naturang usapin.

Dagdag pa ni Tulfo, wala pang pag-uusap ang minorya tungkol sa isyu, subalit nakatakda silang magsagawa ng caucus mamaya.

Aalamin din ng senador kung nagsimula na ang imbestigasyon ng mayorya kaugnay ng umano’y putukan sa loob ng compound.

Samantala, isasama rin ng minorya sa kanilang manifestation ang paratang na may kaalaman sila sa umano’y pag-atake, lalo na sa isyu ng ilang nakatanggap ng text message na nagbigay babala at nakalabas agad sa compound.