-- Advertisements --

Sinuspinde na ng Office of the Ombudsman Mactan-Cebu International Airport Authority (MCIAA) General Manager at Chief Executive Officer Atty. Steve Dicdican dahil sa isyu ng paglabag sa Anti-Dummy Law.

Matatandaang nag-ugat ang reklamo sa pag-award ng operation at management ng paliparan sa GMCAC na consortium sa pagitan ng Megawide Construction Corporation (MEGAWIDE) at GMR Group Megawide, na isang foreign infrastructure company.

Ang concession deal ay tatakbo sa loob ng 25 taon at may nakalaang pondo na P14.4 billion.

Nabatid na ang proyekto ay para sa expansion at operation ng MCIA na kinabibilangan ng pagtatayo ng bagong passenger terminal, kasama ang lahat ng associated infrastructure facilities; rehabilitation at expansion ng dating terminal, pati na ang installation ng kagamitan sa information technology at iba pang pasilidad na may kinalaman sa operasyon ng paliparan.

Sakop din dito ang operation at maintenance ng passenger terminal sa concession period.

Lumalabas na ang nag-o-operate, nag-a-administer at nagma-manage ng MCIA ay Irish, Ghanaian at ilang Indians na mayroong mas malaking kontrol sa Philippine public utility, bagay na labag sa Anti-Dummy Law.

Sa kautusan ng anti-graft body, mananatiling suspendido si Dicdican, kasama ng iba pang opisyal ng paliparan hanggat nagpapatuloy ang imbestigasyon.