Sa gitna ng nagpapatuloy na kaguluhan sa bansang Israel, umangat na ang presyo ng petrolyo sa global market ng mahigit pa sa apat na porsyento.
Ang Brent Crude, na siyang international oil benchmark o standard na basehan sa presyuhan ng petrolyo, ay umakyat ng hanggang 4.2%. Ito na ay mabibili sa halagang $88.15 sa kada bariles.
Ang US counterpart nitong West Texas Intermediate (WTI) ay umangat naman ng hanggang 4.3%. Mabibili ngayon ang kada bariles nito sa halagang $86.38.
Bagaman hindi oil producer ang Israel at Palestine, ang dalawa ay nasa ilalim ng Middle Eastern Region na silang pinanggagalingan ng malaking bulto ng krudo.
Sa katunayan, ang Middle East ay nagsusuply ng 2/3 o humigit-kumulang 60% sa kabuuang world supply ng krudo.
Bago ang nangyaring paglusob ng teroristang grupong Hamas sa Israel, unangnaitala noong nakalipas na linggo ang pagbaba sa presto ng Brent at WTI.
Ang naturang pagbaba ay itinuturing na pinakamalaking tapyas-presyo mula pa noong buwan ng Marso.