-- Advertisements --
Bumalik na sa pagtugtog ang gitarista ng Parokya ni Edgar na si Gab Chee Kee.
Sa social media ng lead singer ng banda na si Chito Miranda, nagpost ito ng larawan na kasama na nila ang kanilang gitarista.
Sinabi pa ni Chito na nagpaalam ito sa kaniyang doctor at mayroon siyang kasamang nurse.
Labis ang kasiyahan ng ka-banda niya dahil sa pagiging buo muli nito.
Hangad naman ng kanilang lead singer na tuluyan ng gumaling si Gab para makasama nila na ito sa mga tugtugan.
Magugunitang ilang buwan nasa pagamutan ang kanilang gitarista dahil sa lymphoma-induced pneumonia.