-- Advertisements --
Tinambakan ng Barangay Ginebra ang NLEX Road Warriors 127-93 at tuluyang makapasok sa semifinals ng PBA Governors’ Cup sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.
Nangibabaw sa panalo ng Ginebra si Justin Brownlee na nagtala ng 31 points, 13 rebounds at anim na assists.
Sinamantalan ng Gin Kings ang kawalan ng import ng NLEX na si Wayne Selden dahil sa injury.
Ikinagalak ni Ginebra coach Tim Cone ang panalo ng kaniyang koponan kung saan ginawa nila ang makakaya para tuluyang makapasok sa semifinals.
Susunod na makakaharap ng Gin Kings ang San Miguel Beermen.