-- Advertisements --

Inanunsiyo ni PBA star Joe Devance ang kaniyang pagreretiro sa paglalaro matapos ang 16 na season.

Sa kaniyang social media ay kinumpirma ni Devance ang kaniyang pagreretiro.

Isinagawa nito ang anunsiyo ilang araw bago ang pagsisimula ng bagong season ng PBA Philippine Cup.

Paliwanag nito na pagtutuunan na niya ng mas maraming atensiyon ang kaniyang mga anak at pamilya.

Pinasalamatan nito ang mga nakasama sa PBA sa ilang season nitong paglalaro.

Ang 40-anyos na si Devance ay naging top overall picks ng Welcoat Dragons o kilala ngayon bilang Rain or Shine Elasto Painters noong 2007 PBA Draft.

Matapos ang isang season ay nai-trade siya sa Alaska Aces kung saan nakuha nito ang unang kampeonato noong 2010.

Naglaro din ito ng limang season sa Purefoods na nakakuha ng lima pang titulo kabilang ang Grand Slam noong 2014.

Huling koponan na itong naglaro sa Barangay Ginebra.