-- Advertisements --

Naging sulit ang ginawang paghabol ng Barangay Ginebra matapos na tuluyan nilang tinalo ang Magnolia 85-81 sa nagpapatuloy na PBA 49th Season Philippine Cup na ginanap sa Smart Araneta.

Bumida sa panalo ng Ginebra si Japeth Aguilar na mayroong 17 points, 11 rebounds habang mayroong 15 points si Troy Rosario at 14 points, pitong assists naman ang naitala ni Stephen Holt.

Dahil dito ay mayroon na silang anim na panalo at tatlong talo na nasa pang-apat na puwesto para sa twice to beat advantage sa quarterfinals.

Itinutuirng ni Ginebra coach Tim Cone ang laban bilang playoff dahil kapag nabigo pa sila ay wala na ang kanilang tsansa para sa twice to beat advantage.

Hindi umubra naman ang ginawang tig-16 points nina Ian Sangalang at Zavier Lucero para sa Magnolia.