-- Advertisements --

Naitabla sa 1-1 ng Barangay Ginebra ang best of seven PBA Governor’s Cup finals nila ng Meralco Bolts 99-93.

Umabot sa mahigit 12,248 fans ang nanood ng second game sa MOA Arena.

Naging bida sa panalo ng Gin Kings ang kanilang import na si Justin Brownlee na nagtala ng 36 points at 13 rebounds.

Nag-ambag naman ng 16 points, 12 rebounds si Scottie Thompson, at 12 points, 11 rebounds naman si Christian Standhardinger, 13 points ang nagawa naman ni LA Tenorio at 10 points kay Nards Pinto.

Nasayang naman ang ginawang 31 points at 13 rebounds ni Tony Bishop at ang 24 points career high ni Aaron Black.