-- Advertisements --

Patuloy pa rin ang pamamayagpag ng Barangay Ginebra sa 2022 PBA Philippine Cup matapos talunin ang Converge 105-89.

Ito ang unang panalo ng Ginebra ng hindi nila kasama ang kanilang coach na si Tim Cone na temporaryong naka-leave dahil sa pagsama sa Miami Heat NBA Summer League.

Bumida sa panalo ng Gins si Scottie Thompson na nagtala ng 24 points mayroong 20 points si Japeth Aguilar habang mayroong 13 points si Christian Standhardinger.

Dahil sa panalo ay mayroong limang panalo at isang talo ang Ginebra na katabla nila ang San Miguel Beermen habang ang Converge FiberXers ay mayroong dalawang panalo at limang talo.