-- Advertisements --

Pasok na sa finals ng 2022 PBA Commissioner’s Cup ang Barangay Ginebra matapos talunin ang Magnolia Hotshots 99-84 sa laro na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Nakuha kasi ng GinKings ang 3-1 bentahe sa best of five semifinals.

Nanguna sa panalo ng Ginkings si Justin Brownlee na nagtala ng 24 points habang mayroong 19 points si Japeth Aguilar at 18 points si LA Tenorio.

Sa unang quarter ay hawak ng Ginebra ang kalamangan hanggang pilitin ng Magnolia na humabol.

Nasayang naman ang nagawang 14 point at anim na rebounds ni Calvin Abueva para sa Magnolia.