-- Advertisements --

Natapos ang pangarap ng Gilas Youth Under 18 na makapasok sa 2023 FIBA U19 Basketball World Cup sa Hungary.

Ito ay matapos ilampaso sila ng Lebanon 99-83 sa quarterfinal ng FIBA U18 Asian Championship na ginanap sa Iran.

Hindi nakakuha ng anumang momentum ang national youth team kung saan umabot pa sa 18 points ang naging lamang ng Lebanon.

Tumaas pa sa 27 points ang lamang ng Lebanon sa third quarter.

Susunod na makakaharap ng Lebanon ang sinumang manalo sa pagitan ng Japan at Chinese Taipei.

Habang ang Gilas ay makakaharap ang Chinese Taipei at Japan din para sa calssification phase.