-- Advertisements --
Nagtapos sa pangatlong puwesto ang national womens’ basketball team ng bansa sa FIBA U16 Women’s Asian Championship na ginanap sa Jordan.
Ito ay matapos na tambakan ang Lebanon 90-68.
Umarangkada ang Gilas U16 womens’ team pagdating ng ikatlo at ikaapat na quarter kung sana umabot pa sa 24 points kanilang kalamangan.
Kapwa nagtala ng 20 points sina Gabriella Ramos at Kristan Geyl Yumul habang mayroong 16t points si Naomi Natalie Panganiban.
Tila nakabawi ang Philippine Women’s U16 sa kanilang pagkatalo sa Samoa noong nakaraang araw.










