Mataas pa rin ang morale ng Gilas Pilipinas sa ginawa nilang ensayo sa Foshan International Sports and Cultural Center, isang araw bago ang laro nila sa FIBA World Cup.
Ayon kay Gilas coach Yeng Guiao, kinabisado na nila ang court at humanga sila sa nasabing kagandahan na maituturing na world class talaga.
Dagdag pa ni Guiao, naging maganda ang ensayo ng national team.
Hindi naman ikinaila ng ilang manlalaro ng Gilas ang positibong pananaw na may tsansa silang talunin ang Italy at Angola na kanilang makakaharap sa kanilang Group D.
Sinabi ni Gilas guard CJ Perez na nakasabayan na nilang kumain ang nasabing mga karibal na koponan at kanilang pinagmasdan ang laki ng mga pangangatawan.
Makakaharap ng Gilas ang Italy sa Sabado, August 31 dakong alas-7:30 ng gabi habang ang Serbia ay sa Lunes, September 2 sa parehas na oras.
Dakong alas-3:30pm naman ng September 4 ay Angola naman ang tatangkaing talunin ng Gilas.