Nabigyan na ng go-signal si Gilas Pilipinas Women’s coach Pat Aquino na makahanap ng manlalaro sa ibang bansa para gawing naturalized player.
Sinabi nito na pinayagan na siya ng Samahang Basketball sa Pilipinas (SBP) para magkaroon ng pagkakataon na makahanap ng mga manlalaro mula sa ibang bansa.
Sa darating aniya na Disyembre 14 ay nakatakdang bumiyahe si Aquino para bisitahin na rin ang mga representative ng Pilipinas sa women’s basketball na sina Gabi Bade, Stefanie Berberabe at Ella Fajardo.
May mga ilang mga nakatakdang makausap nito sa US na nagpahayag na rin ng interest na makapaglaro sa bansa.
Mayroon ng naunang naturalized player ang Gilas womens at ito ay sa katauhan ni Filipino-American forward Kelli Hayes na naglaro na a FIBA Women’s Asia Cup 2019 at sa FIBA womens’ Olympic pre-qualifying tournament.