-- Advertisements --

Nalusutan ng Gilas Pilpinas Women ang Thailand 17-13 para makuha ang 3×3 gold medal sa nagpapatuloy na 30th Southeast Asian Games.

Hindi nagpagpigil si Afril Bernardino na nagtala ng 10 points.

Sa tulong ng kaniyang kasamahan na sina Jack Animam, Janine Pontejos at Clare Castro ay nakabawi sila sa pambato ng Thailand.

Tinalo kasi ng Thailand ang Pilipinas 20-22 sa unang laro na ginanap sa Arena sa San Juan City.

Itinuturing na isa itong makasaysayang panalo ng Gilias Pilipinas women’s 3×3 na nakakuha ng unang SEA Games medal para sa Pilipinas.

Ikinatuwa naman ni Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilo ang panalo ng Gilas Pilipinas women kung saan hinangaan niya ang galing ni coach Patrick Aquino dahil sa sakripisyo nitong isanay ang koponan.