-- Advertisements --
Umangat pa ang Gilas Pilipinas Women sa 39th place FIBA World rankings.
Habang nananatili pa rin ang China bilang top team sa Asia at pumapangalawa sa buong mundo matapos na mag-silver medal finish sa 2022 Fiba Women’s World Cup na ginanap sa Sydney.
Ang Australia ay nasa pangatlo, sinusundan ng Japan sa pang-siyam, ang Korea nasa ika-12, New Zealand na 29 na pwesto, at ang Chinese Taipei sa 33rd.
Ang Olympic champion at World Cup gold medalist na US ay nananatili naman sa top rankings.