-- Advertisements --

Abanse na sa main draw ng FIBA 3×3 ang Gilas Pilipinas Women.

Ito ay matapos na madomina nila ang Kazakhstan sa score na 21-12 sa qualifying game na ginanap sa Singapore.

Bumida sa panalo si Camille Clarin na nagtala ng siyam na puntos habang mayroong tig-apat na puntos sina Mikka Cacho, Kaye Pingol at Jhazmin Joson.

Sa simula pa lamang ay dominado ng Pilipinas ang laro kung saan hindi nakalamang ang kalaban.

Matapos ang malinis na record na 3-0 sa Group B ay abanse na sila sa Group C na makakaharap ang Mongolia at Malaysia.