-- Advertisements --
Nakatuon na ngayon ang atensiyon ng Gilas Pilpinas sa laban nila sa Japan sa knockout playoffs ng 2022 FIBA Asia Cup.
Bilang nasa Group D ang Gilas Pilipinas na mayroong isang panalo at dalawang talo ay makakaharap nila ang Japan na na nasa Group C na mayroong dalawang panalo at isang talo.
Sinabi ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na nakapagpahinga na ang kaniyang mga manlalaro matapos ang pagkatalo sa New Zealand nitong Linggo 92-75 sa laro na ginanap sa Jakarta, Indonesia.
Dagdag pa ni Reyes na kinalimutan na nila ang pagkatalo sa New Zealand nakatutok na sila sa susunod na laro.
Gaganapin ang laban ng Gilas Pilipinas at Japan mamayang alas-10 ng gabi oras sa Pilipinas.