-- Advertisements --
Tinambakan ng Gilas Pilipinas ang India 101-59 para makatiyak na puwesto sa susunod na round ng 2022 FIBA Asia Cup na ginanap sa Jakarta, Indonesia.
Nanguna sa panalo ng Gilas Pilipinas si William Navarro na nagtala ng 18 points habang si Thirdy Ravena ay mayroong 17 points limang rebounds, dalawang steals at isang assist.
Dahil sa panalo ay mayroon ng isang panalo at isang talo sa Group D ang men’s national basketball team ng bansa.
Makakaharap ng Gilas Pilipinas ang New Zealand sa araw ng Linggo Hulyo 17 dakong alas-9 ng gabi.
Sinabi ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes, na hindi siya binigo ng kaniyang mga manlalaro.